Sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment, tumanggap ng construction materials ang 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐈𝐧𝐝𝐢𝐠𝐞𝐧𝐨𝐮𝐬 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐔𝐩𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐊𝐈𝐏𝐔𝐀) para sa kanilang KIPUA Mini Grocery sa Sitio Kabayabasan, Brgy. San Felipe East.
Malugod na tinanggap ni KIPUA President Jesusa Tagapong at mga miyembro nito ang 500 pcs of CHB 4”, 60 bags of Cement, at isang tent bilang panimulang materyales sa itatayong mini grocery na may area na 7.3 m. x 8 m.
Ang awarding ceremony ay pinangunahan ni Mayor Alice katuwang sina Vice Mayor Alvin Bravo, Municipal Councilors Amorsolo Pulido, Pedrilito Bibat, Jun Serquiña, Queen Descargar, Leomar Saldivar, Kiko Bravo, Jairus Dulay, SKFederation Pres. Gian Jetrho Manansala, PB Buenaventura Agne Jr. at Brgy. Council ng San Felipe East.
“Nawa’y makatulong ang mini grocery na inyong itatayo sa mga kailian nating Ibaloi. Gawin ninyo ang lahat at pagsumikapang palaguin ang negosyong ito. Ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ay narito lang upang umalalay sa inyo sakali mang kailanganin ninyo ng tulong,” pahayag ni Mayor Alice.
#KIPUAMiniGrocery#LivelihoodProject#DOLE#LGUSanNicolas#IndigenousPeoples#SitioKabayabasan#BrgySanFelipeEast#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride