Dahil sa pagpapatupad ng huwarang pagganap sa kampanya laban sa iligal na droga, ginawaran ng pagkilala ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal bilang bahagi ng Drug Abuse Prevention and Control Week.
Bilang kinatawan ni Mayor Alice, tinanggap nina MLGO Officer Joey Agustin at PCPT Jerwin Cabreros ang Regional Award ng LGU San Nicolas bilang High Functional Anti-Drug Abuse Council at High Performing Municipal Peace and Order Council sa La Union Convention Center, San Fernando City, La Union.
“Patuloy nating palalakasin ang giyera laban sa iligal na droga sa ating bayan. Hindi tayong magsasagawang suportahan ang mga programang inilulunsad ng DILG at PNP dahil alam nating mahalaga ito para sa kapayapaan at kaunlaran ng bayan ng San Nicolas,” ani Mayor Alice.
Kinilala ang LGU San Nicolas sa dedikasyon at serbisyo nito sa pagbibigay ng kalidad na Community-Based Drug Rehabilitation Program kung kaya’t nakatanggap ng 100 functionality score ang Municipal Peace and Order Council nito.
#HighFunctionality#CongratulationsLGUSanNicolas
#DepartmentOfInteriorAndLocalGovernment#DrugAbusePreventionAndControlWeek#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride