Muling nasungkit ng San Nicolas ang prestihiyosong Gawad Kalasag Seal of Excellence mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa marubdob na pagsusumikap ng bayan na tiyakin ang kaligtasan at kagalingan ng mga mamamayan nito sa harap ng mga potensyal na sakuna.
Sa pangalawang pagkakataon, kinilala bilang “Fully Compliant” para sa kategoryang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices ang bayan na sumasalamin sa mahusay na pamumuno ni Mayor Alice bilang MDRRMC Chairperson katuwang ang Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office sa ilalim ng pangangasiwa ni MDRRM Officer Shallom Gideon Balolong.
“Patuloy na itataguyod ng LGU San Nicolas ang mga pamantayang nakabalangkas sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 dahil ang buhay ng bawat San Nicolanian ay mahalaga,” saad ni Mayor Alice.
Nakatakdang tanggapin ng LGU San Nicolas ang nasabing parangal sa Disyembre 17 sa San Fernando City, La Union.
#GawagKalasagSealOfExcellence#FullyCompliant
#SanNicolasMDRRMO#AlwaysThereForYou
#CongratulationsLDRMOShallom#CongratulationsMayorAlice
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride