Dahil mahalagang mabantayan ang presyon ng dugo ng mga maysakit lalo na sa mga high blood, may problema sa puso at mga matatanda, namahagi ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng 200 blood pressure apparatus para sa barangay health workers (BHWs) ng bayan.

Layunin ng programa na mas mailapit pa ang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay sa pamamagitan ng BHWs upang mas ma-monitor ang blood pressure ng vulnerable sectors na hindi agad makapunta sa Rural Health Unit at makatulong na rin sa ongoing profiling para sa database ng bayan sa universal healthcare.

β€œOne of my ways ito na maiparamdam ang pasasalamat at pagmamahal ko sa mga bhw kaya nagbigay tayo ng bp app,” mensahe ni Mayor Alice

Naganap ang distribusyon ng mga aparato sa Municipal Gymnasium na pinangunahan ni Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo, at Municipal Councilors Amorsolo Pulido, Queen Descargar, at Leomar Saldivar.

β€œAng dugo sa katawan ng tao ay may normal na bilis ng pagdaloy. Mahalagang regulat na natse-tsek ang blood pressure lalo na kung nakararamdam ng masama. Sa pamamagitan nito, maaagapan ang mga karamdaman at maliligtas ang buhay,” saad ni Mayor Alice.

Dagdag pa ng alkalde, paraan niya rin ito upang magpasalamat sa pagtulong sa pamahalaang lokal lalo na sa aspeto ng kalusugan.

#BloodPressureApparatusDistribution#BloodPressureMonitoring#BarangayHealthWorkers#HealthcareServices#UniveralHealthcare#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon