Ikinararangal kong ibalita sa inyong lahat na ang Pamahalaang Lokal ng San Nicolas ay matagumpay na pumasa sa 2024 Good Financial Housekeeping Assessment ng Bureau of Local Government Supervision sa ilalim ng Department of Interior and Local Government.

Ang pagkakaloob sa atin ng Good Financial Housekeeping ay hindi lamang nagpapakita ng ating pagsunod sa transparency ng pananalapi, kundi pati na rin ang ating pangako sa isang tapat, responsable, at mahusay na pamamahala.

Ito ay patunay ng patuloy na disiplina ng ating bayan sa pananalapi at transparency sa lokal na badyet, mga bid, at mga public offering. Ipinapakita nito ang ating dedikasyon na gastusin ang ating badyet at pananalapi sa isang malinaw at tapat na paraan habang naghahatid ng mga programa at serbisyong pinakamakabubuti sa ating mga kababayan.

Makakaasa po kayo na patuloy kaming maglilingkod nang may katiwasayan, katapatan, at maayos na pangangasiwa sa mga transaksyong pinansyal ng ating bayan.

Lagiโ€™t lagi para sa bayan.

๐ƒ๐ซ. ๐€๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐š ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ

๐–ฌ๐—Ž๐—‡๐—‚๐–ผ๐—‚๐—‰๐–บ๐—… ๐–ฌ๐–บ๐—’๐—ˆ๐—‹

#GoodNews#GoodFinancialHousekeeping#CongratulationsLGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon