Bilang pangalawang bugso ng flu vaccination ngayong buwan ng Enero, magsasagawa pong muli ang ating lokal na pamahalaan katuwang ang Department of Health ng libreng pagbabakuna kontra sa flu para sa mga residente ng ating bayan na edad 12 pataas (12 years old and above).

Ito po ay gaganapin bukas, Huwebes, ika-27 ng Enero mula alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon (8:00 AM to 2:00 PM). 64 doses lamang po ng flu vaccines ang ipapamahagi at ito po ay first-come, first-served basis. Magpunta lamang po sa ating Municipal Gymnasium at magdala ng isang government-issued ID o birth certificate naman para sa mga edad 12-17.

Tanong: Paano po kung kakatapos ko pa lang magpabakuna kontra COVID-19?

Sagot: Kailangan po ng two weeks interval o dalawang linggong pagitan.

Ang bakunang ito kontra sa flu ay ligtas at epektibo kaya hinihikayat ang lahat na magpabakuna upang tayo ay patuloy na maging protektado.

~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

#FreeFluVaccines#FluShotsParaSaLahat

#SanNicolasPangasinaCares#DagdagProteksyon

#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon