Dahil uso na naman ang sipon at ubo sanhi ng malamig at pabago-bagong panahon, magsasagawa pong muli ang ating lokal na pamahalaan katuwang ang Department of Health ng libreng pagbabakuna kontra sa flu para sa mga residente ng ating bayan na edad 18 pataas na gustong magkaroon ng karagdagang proteksyon.
Ito po ay gaganapin bukas, Huwebes, ika-20 ng Enero mula alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon (8:00 AM to 2:00 PM). 210 doses ng flu vaccines ang ipapamahagi at ito po ay first-come, first-served basis. Magpunta lamang po sa ating Municipal Gymnasium at magdala ng isang government-issued ID.
Tanong: Paano po kung kakatapos ko pa lang magpabakuna kontra COVID-19?
Sagot: Kailangan po ng two weeks interval o dalawang linggong pagitan.
Ang bakunang ito kontra sa flu ay ligtas at epektibo kaya hinihikayat ang lahat na magpabakuna upang tayo ay patuloy na maging protektado.
~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
#FreeFluVaccines#FluShotsParaSaLahat
#SanNicolasPangasinaCares#DagdagProteksyon
#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride