𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫
𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐌𝐀𝐑𝐋𝐘𝐍 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐀𝐆𝐀𝐁𝐀𝐒
𝐑𝐞𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞, 𝟔𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧
Isinabatas na ang Republic Act No. 12076 o mas kilala bilang Ligtas Pinoy Centers Act na naglalayong magpatayo ng mga permanenteng climate-resilient evacuation centers na kayang tumayo laban sa lakas ng hanging aabot sa 300 kilometers per hour at magnitude 8.0 na pagyanig ng lupa.
Ayon kay 6th District of Pangasinan Rep. Marlyn L. Primicias-Agabas, pangunahing may-akda ng batas na ito, “Mas mabilis at epektibo nang makapagbibigay ng ayuda at suporta sa mga apektado ng kalamidad sa buong bansa, na nagsusulong ng kahandaan at resilience ng bawat komunidad.”
Mula sa pamahalaang lokal ng San Nicolas, malugod naming binabati si Cong. Marlyn sa batas na makatutulong hindi lang sa kaniyang ka-distrito kundi sa buong Pilipinas. Mabuhay po kayo, Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas!
#LigtasPinoyCentersAct#DisasterResilience#SerbisyoaNaimpusoan#TatakCongMarlyn#SubokNa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride