Mula sa dati’y madilim na gabi, unti-unti nang sumisilay ang liwanag ng pag-asa at kapanatagan sa bawat sulok ng Brgy. San Rafael East, sa ilalim ng pamumuno ni π™‹π˜½ π™ˆπ™šπ™‘π™žπ™£π™™π™– 𝙂. π™π™€π™™π™žπ™‘π™‘π™–π™¨ at ng kaniyang barangay council.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at barangay, naisakatuparan ang solar street light project kung saan naglaan ng 30 piraso ng G.I. pipes ang LGU San Nicolas, habang ang barangay naman ay nagbahagi ng solar lights bilang kanilang counterpart.

Bunga nito, naiilawan na ang mga kalsada na dati’y peligroso sa mga motorista at residente ng barangay at nabawasan din ang kanilang pakonsumo sa kuryente sa tulong ng solar power.

Nang bumisita si Mayor Alice upang inspeksyunin ang proyektong ito, nagkaroon ng munting kumustahan kung saan nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang mga residente at pamunuan ng barangay para sa suporta at tulong ng alkalde, na nagdudulot ng kabutihan sa kanilang minamahal na komunidad.

#LiwanagAtKaligtasan

#BrgySanRafaelEast

#KaligtasanSaKalsada

#PagsasamaParaSaKaunlaran

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *