𝐊𝐚𝐭𝐑𝐫𝐞𝐞𝐧 π’π‘πšπ§πž 𝐌. π‘π¨πœπ’π¨

🏫 π†π«πšππž 𝟏𝟐 π‡π”πŒπ’π’ 𝐨𝐟 π’πšπ§ 𝐍𝐒𝐜𝐨π₯𝐚𝐬 𝐍𝐇𝐒

Ngayong Buwan ng mga Guro, nais ipaabot ni Kathreen ang kaniyang lubos na pasasalamat sa dalawang gurong inspirasyon niya sa senior high schoolβ€”sina Ma’am Donna A. Pulido at Ma’am Glenda A. Ligon.

Si Ma’am Donna ang adviser niya noong Grade 11 na kaniyang tinitingala dahil sa kaniyang likas na kabaitan at very warm na personalidad.

Si Ma’am Glenda naman ng HUMSS 12 Galileo ay isa ring mahusay na guro para sa kaniyang dahil palagi niya silang pinapaalalahanan kung paano maging mas mahusay at mas pagbutihin ang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap.

β€œNagpapasalamat ako sa dedikasyon na ibinibigay ng mga mahal naming guro mula sa pagtulong sa aming mga mag-aaral na hubugin ang aming mga sarili, patalasin ang aming isipan, at palawakin ang aming karunungan na tiyak na makakatulong sa amin sa malapit na hinaharap. Ang edukasyon ang susi sa tagumpay at gayundin ang mga guro,” saad ni Kathreen.

Kung isa kang kailian na nagnanais ialay ang kaniyang obra maestra (tula, maikling kuwento, sanaysay, anecdotes, visual arts, spoken poetry, photograph, etc.) sa iyong lodi na titser, magpadala na ng mensahe sa myhomemypride2447@gmail.com kalakip ang inyong pangalan, address, at larawan kasama ang inyong lodi na titser kung meron man.

#LodiKoSiTitser#TeachersMonth#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon