Sa pamamagitan ng tamang edukasyon, magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa reproductive health, tamang paggamit ng contraceptives, at responsableng pakikipagrelasyon.

Kung kaya’t ang Comprehensive Sexuality Education ay sinasabing isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapababa ng bilang ng teenage pregnancy sa Pilipinas na umabot sa 150,000 noong 2022.

Sa pamamagitan ng comprehensive sexuality education, natututo ang mga kabataan tungkol sa kanilang katawan, reproductive health, at mga paraan upang maiwasan ang sexually transmitted infections, at unintended pregnancies.

Ang pagtuturo ng tamang paggamit ng contraceptives tulad ng birth control pills, condom, at intrauterine device ay mahalaga upang maiwasan ang maagang pagbubuntis. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang tamang kaalaman at access sa contraceptives ay makakatulong upang bumaba ang bilang ng teenage pregnancies.

Sa pamamagitan din nito, natututo ang mga kabataan ng mga konsepto ng consent, healthy relationships, at emotional intelligence na mahalaga sa pagbuo ng responsableng pakikipagrelasyon.

Kailian, naniniwala ka bang makakaapekto ang Comprehensive Sexuality Education sa pagbaba ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa?

#MayorAliceAsks#TeenagePregnancy#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon