Hindi sukat akalain ni Mayor Alice na may sorpresang handog ang mga mag-aaral ng Sta. Maria National High School sa kaniyang pagbisita upang inspeksyunin ang 2.63 meter x 17.60 meter covered pathway na panibagong proyekto ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa nasabing paaralan.
Naghandog ng acrostic poem ang Sta. Marians sa pangunguna ni Head Teacher/OIC Principal Jumar S. Ortiz bilang tanda ng pagmamahal at tapat na serbisyo ni Mayor Alice para sa mga mag-aaral at guro sa pamamagitan ng wasto at angkop paggamitng pondo ng bayan.
Narito ang acrostic poem na inialay ng Sta. Marians kay Mayor Alice:
A – Alicia Primicias Enriquez kaniyang pangalan
L – Lider na tapat at maasahan
I – Inspirasyon namin sa bawat tagumpay
C – China-challenge kami upang maging mabuting mamamayan
I – Ina ng aming bayan, tunay na mapagmalasakit
A – Ang aming bayan, totoong umunlad sa kaniyang pamumuno
P – Pagmamahal niya ay nangingibabaw,
R – Responsibilidad na tapat at walang kapantay
I – Inspirasyon ng nakararami, dahil sa pagiging pursigido
M – Minamahal ng taong bayan dahil sa kaniyang pamumuno
I – Ipinagmamalaki ng San Nicolas
C – Champion siya sa aming puso
I – Inaasahan sa bawat hakbang para sa pagbabago
A – Aming lider, tunay na tagapaglingkod
S – San Nicolas, My Home My Pride ay minamahal niyangtunay
E – Edukasyon at karanasan ang kaniyang armas
N – Nagpapaunlad sa bayan ng San Nicolas
R – Rumeresponde tuwing siya’y kailangan
I – Ipinagmamalasakit ang mga nangangailangan
Q – Quality ang kaniyang serbisyo, walang kapantay, walangkatumbas
U – Umunlad na tunay ang bayan ng San Nicolas dahil sa
E – Epektibong mga proyektong kaniyang ipinapatupad
Z – Zero porsiyento ang ating pangamba dahil tapat siyanglingkod bayan
#StaMariaNationalHighSchool#CoveredPathway#AcrosticPoem#AppreciatedGesturesOfLove#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride