Upang matulungan ang mga magsasakang San Nicolanian nalabis na naapektuhan ng nagdaang bagyong Kristine at Pepito noong 2024, tumanggap sila ng inbred rice seeds at foliar fertilizer mula sa Pamahalaang Lokal ng San Nicolas sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

Umabot sa 536 na kuwalipikadong magsasaka ang nakatanggap ng kabuuang 1,195 na sako ng binhing palay at pataba na isang patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at mga mamamayan upang muling makabangon ang sektor ng agrikultura mula sa kalamidad.

Sa mensahe ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pag-unlad ng ekonomiya ng San Nicolas at hinikayat silang magpakatatag at manatiling may matibay na pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Dumalo sa nasabing okasyon sina Vice Mayor Alvin Bravo at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Municipal Councilors Queen Descargar, Jun Serquiña, Pedrelito Bibat, Amorsolo Pulido, Leomar Saldivar, at Jairus Dulay kasama ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculture Officer Engr. Christopher Serquiña.

#InbredRiceSeeds#FoliarFertilizer#SupportToSanNicolanianFarmers#AgricultureSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon