Isang mainit na akap ang sumalubong sa mga benepisyaryo ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mula sa mga bayan ng San Nicolas, Natividad, Tayug, San Quintin, at Umingan.
Tumanggap ng P3,000.00 na tulong pinansyal ang vendors, solo parents, job orders at minimum wage earners sa tulong nina Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, House Speaker Martin Romualdez, Congw. Marlyn, Department of Social Welfare and Development, at sa lahat ng mga nagsilbing instrumento upang maihatid ang ayuda.
Para sa maayos na pila at mabilis na proseso ng pagtanggap ng mga benepisyong ito, tumulong sina Congw. Marlyn kasama sina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Nicolas, Tayug Mayor Tyrone Agabas, at Tayug Vice Mayor Lorna Primicias.
Layunin ng AKAP na makapaghandog ng tulong sa mga Pilipino na itinuturing na minimum wage earners, mahihirap, near poor, at mga nasa informal economy.
#AyudaParaSaKaposAngKitaProgram
#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride