Pagkatapos puntahan ni Mayor Alice ang Barangay Malico na pinakamalayong barangay ng San Nicolas noong Marso 4 upang bigyan ito ng 10 solar-powered lights, sa araw na ito ay binisita naman nya ang Barangay Fianza para bigyan din ng parehong set of LED lights upang makatulong na mas mapaliwanag ang komunidad nito na wala ng gagstusin pa ang barangay.

Ang sampung LED lights ay may specs na 120 Beaming Angles, 6500K CCT o Correlated Color Temperature, at may 50000 IP (Long Life) Working Lifetime.

“Katulad ng Brgy. Malico, naniniwala akong kinakailangan din ng Brgy. Fianza gayundin ng iba pang mga malalayong barangay sa ating bayan ng mga ganitong ilaw upang makadagdag sa pagpapaliwanag ng kanilang kapaligiran tuwing gabi na hindi na nila kailangang gumastos pa,” ani ni Mayor Alice.

Sa kanyang pagbisita sa barangay ay sinamahan sya nina Municipal Councilors Amorsolo Pulido, Jun Serquiña and Queen Descargar. Malugod silang tinanggap ng mga mamamayan sa pangunguna ng mga barangay officials nito.

Sinamantala na rin ni Mayor Alice na tugunan ang mga iba pang isyu at alalahanin ng mga mamayan sa kanyang pakikipagusap sa mga mamamayan pagkatapos ng pormal na distribusyon ng nasabing mga ilaw.

#LEDLightsParaSaBarangayFianza

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon