Sa patuloy na pagbisita sa mga barangay ni Mayor Alice upang personal na maghatid ng serbisyo ng lokal na pamahalaan ay binisita nya rin sa araw na ito ang Barangay Sto. Tomas. Malugod siyang tinanggap ng mga mamamayan at barangay officials sa pangunguna ni Punong Barangay Jason Ramirez.
Sa barangay nating ito ay naghatid si Mayor Alice ng 254 bags of cement at 12 loads na sand and gravel para sa pagsasagawa ng proyektong Solar Pavement Dryer.
“Nais nating maramdaman ng ating mga mamamayan na kaagapay nila ang lokal na pamahalaan upang maibsan ang kanilang mga alalahanin lalong-lalo na sa mga pangaraw-araw nilang gawain lalo na’t may kaugnayan ito sa kanilang ikinabubuhay. Pagkatapos ng proyektong ito ay malaki ang maitutulong nito para mas mapabilis nilang mapatuyo ang kanilang mga aning palay,” pahayag ni Mayor Alice.
#SolarPavementDryerParaSaStoTomas
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride