Kailian, sa kakatapos ko lamang na spot inspection sa road at drainage project sa Brgy. San Isidro at Brgy. Bensican ay natutuwa akong ipaalam sa inyo na maayos at patuloy ang mabilisang pagsasagawa nito at sigurado akong mabi-beat natin ang deadline upang ito ay magamit na ng ating mga kababayan.

Sa ngayon ay nasa 330 meters na ang nasementong daan para sa total na 1.6km na kailangang tapusin upang maayos ng makapaglakbay ang mga sasakyan at ang ating mga kababayan sa bahaging ito ng ating munisipalidad.

Sa aking pagbisita sa patuloy na paggawa ng ating construction team ay sinamahan ako ni Kapitan Roderick Alap ng Brgy. San Isidro at natutuwa kami sa maayos na paggawa ng proyektong ito na pinondohan sa ilalim ng Assistance to the Municipalities o AM Fund at kalakip sa LGU Community Development Projects.

Isang mapagpalang hapon po sa inyong lahat and let’s enjoy this weekend with our loved ones.

~MAYOR ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

#UpdateSaBensicanAtSanIsidroProject

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon