Inilunsad na ng Bayan ng San Nicolas ngayong araw ang vaccine simulation at rollout na sadyang naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH) at Provincial Health Office (PHO) upang ipakita ang kahandaan nito para sa nakatakdang malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa darating na buwan ng Hulyo.

Ang simulation at rollout ay pinangunahan mismo ni Mayor Alice L. Primicias-Enriquez na siya ring nanguna sa orientation bago magsimula ang aktibidad bilang pagkatawan sa Municipal Health Officer na si Dra. Gemma Rodrigo na ngayon ay naka emergency leave.

Ang isinagawang simulation ay umabot ng tatlumpong minuto at pagkatapos nito ay inumpisahan na ang pagbabakuna sa 48 priorities na kinabibilangan ng mga nurses, midwives, barangay health workers, at personnel ng Disaster Risk Reduction and Management Office.

Naging maganda ang takbo ng isinagawang simulation dahil sa ginawang preparasyon na inihanda mismo ni Mayor Alice na doctor-nurse-pharmacist rolled into one.

Ikinatuwa ng mga DOH officials ang magandang prosesong inilatag ni Mayor Alice sapagkat naging smooth din ang flow ng isinagawang inisyal na pagbabakuna dahil sa zero adverse effects nito.

Ang mga miyembro ng EPDH Team na nakasama sa simulation at rollout ngayong araw ay kinabibilangan nina Mr. Mark Dave O. Rodrigo, district nurse supervisor; Mr. Lester John Ramolete, health education promotion officer; Ms. Cynthia Evangelista, district sanitary inspector; Ms. Charmine Grace Rodrigo, TB coordinator; at Dr. Jerchie Anthony Aclera, ER/AEFI physician.

Sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing programa, nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Mayor Alice sa DOH gayundin kay Governor Amado “Pogi” Espino III, at sa PHO na pinangungunahan ni Dra. Ana de Guzman. Pinasalamatan din n’ya ang Rural Health Unit, Nurse Deployment Project at Human Resources for Health Program ng DOH, PNP, BFP, MDRRMO, at lahat ng mga kawani ng LGU na nagtulong-tulong upang mailunsad ng nasabing proyekto.

#SuccessfulSimulationAndRollOut

#ThankYousaDOHsaPHOatEPDH

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

#resbakunakasanggangbida2021

#epdhpublichealthchannel

#PangasinanNumber1

#easternpangasinandistricthospital

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon