Ginawaran ng Certificate of Appointment ang Mata ng Masa Task Force bilang PNP Force Multiplier na katuwang ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at disipilina sa bayan.
Pinangunahan ni Mayor Alice ang paggawad ng sertipiko ng pagkahirang kina Leonora P. Austria, chapter president; Joseph B. Ancheta, Chapter Vice President; Jhon Denver B. Martinez, Chapter Secretary; Mercedes I. Bodoy, Chapter Treasurer; James R. Caballero, Chapter Assistant Treasurer; Gilbert O. Trinidad, Chapter Auditor; Jomar G. Bergara, Chapter Asst. Auditor; Editha T. Suyat, Chapter Public Information Center; at Sherwin T. Salazar, MMTF Adviser.
Kasama rin sa mga binigyan ng sertipiko sina Chairman of the Board Juan G. Seridio Jr. at Board of Directors Erlinda V. Sarmiento, Brendo M. Bodoy, Mario M. Arquero, Ric C. Seriosa, Rogelio Bernales, Marcelo M. Corpuz, Joana R. Calaycay, at Romeo D. C. Seredio
Hinikayat naman ni Mayor Alice na gampanang nang buongpuso ang kanilang tungkulin sa bayan at maging kabahagi ng lokal na pamahalaan sa “nation-building.”
Nakasaad sa kanilang appointment na maaari silang mag-recruit, magsanay, at mangasiwa ng mga miyembro ng MMTF sa bayan habang isinasagawa at ipinatutupad ang mga mithiin at layunin, mga tungkulin, at responsibilidad ng kanilang posisyon alinsunod sa batas.
#PNPForceMultiplier#MataNgMasaTaskForce#AwardingOfAppointment#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride