Naging isang masayang pagsasama-sama’t pagdiriwang ang Barangay Fiesta ng San Roque nito lamang Agosto 2024 dahil na rin sa pagpapakita ng pagkakaisa ng lahat ng namumuno sa pangunguna nina Cong. Marlyn Primicias-Agabas, Tayug Mayor Tyrone Agabas, Mayor Alice, Vice Mayor Alvin at ang buong Sangguniang Bayan ng San Nicolas.

Hindi maitago ni PB Vinson Dotimas ang kagalakan sa kaniyang puso nang magbuklod-buklod ang mga kabataan, OFWs, senior citizens, guro, at mga residente ng kaniyang barangay para sa isang natatanging selebrasyon.

Sa nasabing okasyon, nagkaroon ng Kabataan Night, Barangay Night, at Miss Gay San Roque na nagpaaliw sa lahat sa isang di malilimutang fiesta sa kanilang barangay.

𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤𝙨 𝘾𝙤𝙪𝙧𝙩𝙚𝙨𝙮 𝙤𝙛 𝙈𝙖𝙧𝙡𝙮𝙣 “𝙇𝙚𝙣” 𝙋𝙧𝙞𝙢𝙞𝙘𝙞𝙖𝙨-𝘼𝙜𝙖𝙗𝙖𝙨 𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙋𝙖𝙜𝙚

#BarangayFiesta#SanRoque#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon