Matapos malagyan ng floor tiles ang Sampaguita Child Development Center (CDC) sa Brgy. Nining, bumisita at nag-inspeksyon si Mayor Alice sa nasabing proyekto na pinondohan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.

Magiliw na tinanggap nina 𝐏𝐁 𝐃𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐂𝐚𝐛𝐫𝐢𝐚 at 𝐍𝐨𝐫𝐚 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨, child development worker ng Sampaguita CDC, si Mayor Alice nang kaniyang inspeksyunin ang proyektong may habàng 13.8 metro at lapad na 8.15 metro.

Nagpasalamat sina Cabria at Aquino sa butihing alkalde dahil sa walang sawang pagsuporta niya sa mga adhikain at adbokasiyang makabubuti para sa mga batang San Nicolanian.

“Dahil maayos at maaliwalas ang learning environment, makatutulong ito upang mas ganahan at komportableng mag-aral ang mga bata sa aming barangay. Makaaasa ang butihing mayor na iingatan namin kasama na ang mga magulang at barangay council at ipagmamalasakit ang child development center na ito na pinaglaanan nila ng sobra-sobrang pagmamahal,” ani Aquino.

Nangako naman si Mayor Alice na patuloy niyang palalakasin ang mga programa at proyektong pang-edukasyon sa buong bayan upang mas maitaas ang kalidad ng edukasyon at maging handa ang mga batang mag-aaral sa mas maraming kakaharapin nila sa pag-aaral at sa buhay.

#SampaguitaChildDevelopmentCenter#InstallationOfFloorTiles#LearnerFriendly#BansangMakabata#BatangMakabansa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon