Upang mapangalagaan nang mabuti ang kapakanan ng mga mamamayan at mabilis na maitaguyod ang pag-unlad ng bayan, pinapahalagahan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang pagkakaroon epektibong komunikasyon at pagkakaisa ng iba’t-ibang organisasyon sa San Nicolas.
Isa sa mga ito ang Kabalikat Civicom Association Inc. – San Nicolas, na kamakailan ay nagpunta kay Mayor Alice upang ipahayag ang kanilang layunin na patuloy na maglingkod sa taumbayan at makipagtulungan sa mga adhikain ng lokal na pamahalaan.
Ipinangako naman ng kanilang bagong tagapamahala na si 𝙂. 𝙂𝙚𝙧𝙧𝙮 𝙋. 𝘽𝙖𝙧𝙪𝙚𝙡𝙖 sa alkalde na pananatilihin ang mabisang komunikasyon at koordinasyon at pag-iigihin pa nila ang kanilang mga tungkuling ginagampanan.
Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Alice kalakip ang kaniyang pagsuporta sa mga programa at aktibidad ng nasabing kapisanan.
#KabalikatCivicomAssociationInc
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride