Sa adhikain ni Mayor Alice na makapaghatid ng pag-asa sa ating mga kababayan, pinangunahan niya ang pamimigay ng assistive devices at personal na kinumusta ang mga benepisyaryo.
Bilang isang doktor, nagsagawa ang butihing ina ng bayan ng karagdagang pagsusuri sa kalagayan ng mga pasyente. Ito ay bahagi ng kaniyang adbokasiya na maghatid ng tunay na serbisyong publiko sa mga mamamayan ng San Nicolas.
Samantala, labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo na tumanggap ng mga wheelchair na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Binigyan din sila ng mga payo kaugnay sa kanilang mga iniindang karamdaman. Isang ngiti at yakap ng pagmamahal ang hatid ng mga benepisyaryo kay Mayor Alice sa kaniyang pagbisita.
Ang aktibidad na ito ay naging tatak ng pamamahala ni Mayor Alice. Ang ganitong uri ng serbisyo ay nagdadala ng pag-asa sa mga mamamayan na nahihirapang tumayo at maglakad at humihingi ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.
#BringingTheGovtCloserToThePeople
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride