Hindi naging hadlang ang rehas na bakal upang ipaabot ni Mayor Alice ang kaniyang pagsuporta at pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga person deprived of liberty (PDL) mula sa Bureau of Jail Management and Penology—Tayug.

Sa pagbisita nina JINSP Jerizalde S. Cristo, JO2 Florencia N. Devera, JO1 Sharifa F. Frijas, JO1 Paul Imel S. Manis, at JO1 Facile B. Sabino, malugod nilang ibinahagi sa alkalde ang pagtatapos ng 25 PDLs sa Bread and Pastry NC II mula sa tulong na rin ng pamahalaang lokal ng San Nicolas para sa kanilang assessment.

Ipinarating din ng jail officers ang pasasalamat ng PDLs sapamamagitan ng mga handcrafted bag, painting, at massage oil na produktong likha nila para sa alkalde.

Nangako naman si Mayor Alice na ilalapit kay Cong. Marlyn Primicias-Agabas ang kahilingan nilang makakuha pa ng Food and Beverage Service NC II ang PDLs upang may magamit sila sa kanilang pagbabagong buhay at paglaya balang araw.

Bukod dito, naghandog pa si Mayor Alice ng dalawang sakong bigas at mga delata bilang dagdag tulong sa kanila.

#PersonsDeprivedOfLiberty#SupportToPersonsDeprivedOfLiberty#HelpingTheVulnerableSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon