Upang makatulong sa pagpapalawig ng serbisyo ng PNP San Nicolas sa buong bayan, nagkaloob si Mayor Alice ng mga regalong makatutugon sa kanilang pang-araw-araw na tungkuling mangalaga ng katahimikan at kaayusan, pagpapatupad ng batas, pag-iimbestiga ng mga krimen, at pagbibigay ng proteksiyon sa publiko.

Nakatanggap ang kanilang tanggapan kahapon ng isang unit ng 36-inch flat screen TV, dalawang unit ng road traffic solar warning strobe lights, karagdagang set ng Modular Police Express, dalawang unit ng steel cabinet, at tatlong trash bins.

β€œNais naming magpahayag ng matinding pasasalamat at taos-pusong pagpapahalaga sa ating local chief executive, Dr. Alicia L Primicias- Enriquez para sa kaniyang kahanga-hangang kabutihang-loob at suporta. Gagamitin ng San Nicolas Police Station ang mga nasabing unit sa pang-araw-araw na performance ng PNP personnel,” saad ni PCPT Jerwin L Cabreros, officer-in-charge, sa kanilang Facebook post.

Kasama ni Mayor Alice sa okasyon na ito sina Municipal Councilors Amor Pulido, Queen Descargar, Jun SerquiΓ±a, Pedrelito Bibat, at Leomar Saldivar.

#PNPSanNicolas#ToServeAndToProtect#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *