Pinuri ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang dedikasyon at katatagan ng mga magsasakang San Nicolanian sa pagsisilbing binhi at bunga ng pag-asa sa bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang ani na kinakailangan para sa pang-araw-araw na konsumo ng mga mamamayan ng San Nicolas.
Sa isinagawang dalawang araw na pamamahagi ng hybrid rice seeds, tumanggap ang 3,161 magsasaka ng mga binhing HyvarS26, Advanta, SL 20H, Jackpot, at Biorice para sa kanilang sakahan na umabot sa 1,878 ektarya.
“Ang programang ito ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang masigurong tuloy-tuloy ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka sa San Nicolas sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap,” dagdag pa ni Mayor Alice.
Ang nasabing okasyon ay dinaluhan nina Vice Mayor Alvin Bravo, Municipal Councilor Jun Serquiña (Committee Chair on Agriculture), Mun. Coun. Pedrelito Bibat (Vice Committee Chair on Agriculture), at Mun. Councilors Queen Descargar, Amorsolo Pulido, Leomar Saldivar, Jairus Dulay, at Francisco “Kiko” Bravo kasama sina SK Federation Pres. Gian Jethro Manansala, IPMR Felixfrey Lorenzo, Municipal Agriculturist Engr. Christopher Serquiña, at mga kawani ng Municipal Agriculture Office.
#BinhiNgPagasa#HybridRiceSeeds#SupportToSanNicolanianFarmers#AgricultureSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride