Para sa seguridad at mas maayos na pagsasagawa ng transaksyon at serbisyong pambarangay, pinondohan ni Mayor Alice ang paglalagay ng floor tiles at perimeter fence na may steel matting sa barangay hall sa Brgy. Calaocan.

Sa kaniyang pagbisita, sinuri ng alkalde ang proyektong may kabuuang lawak na 92 sq. m., 10 metro ang haba, at 9.2 metro ang lapad na naisakatupuran sa pamamagitan ng Barangay Subsidy.

“Mula po sa Brgy. Calaocan, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat kay Mayor Alice at sa pamahalaang lokal ng San Nicolas dahil sa kanilang layunin na maisaayos ang aming barangay hall. Asahan po ninyo ang aming pagsisikap na mas makapagbigay pa ng serbisyong tapat at totoo sa aming barangay,” ani PB Murphy Estrada.

#BarangayCalaocan#InstallationOfFloorTiles#NewPerimeterFence

#SerbisyongMayPuso#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon