Magbubukas na ng mas maraming oportunidad sa mga magsasaka ang bagong farm-to-market road sa Brgy. San Jose dahil inaasahang mas mapapadali ang paghahatid ng mga produkto sa mga pamilihan, makakakuha ng mas magandang presyo, at mas malawak ang maaabot ng kanilang mga produkto.
Bilang bahagi ng mayoral visits, nagtungo si Mayor Alice sa nasabing barangay upang inspeksyunin ang proyektong may habang 66 metro, lapad na 3 metro, at kapal na 0.15 metro na pinondohan ng LGU San Nicolas gamit ang sumusunod na materyales: 215 na sako ng semento, 11 truckloads ng graba, pitong truckloads ng buhangin, at isang kilong G.I wire #16.
Kinapanayam din ng alkalde ang Brgy. Council na pinamumunuan ni ๐๐ ๐๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐๐ฌ upang ipaalam ang pagpapaayos at pagpapaluwang ng kalsada sa barangay mula sa tulong naman ni Congw. Marlyn.
#BarangaySanJose#FarmToMarketRoad#ConcretingOfFarmToMarketRoad#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride