Nagkaroon kami ng napakaganda at hindi malilimutang pagkakataon kahapon ni Vice Mayor Alvin upang makabisita sa Senado ng Pilipinas.
Sa Session Hall, kasama naming nakaupo sa gallery ang iba pang mga bisita habang nagsasagawa ng sesyon ang kapulungan ng mga mambabatas. Pagkatapos ng panalangin na pinangunahan ni Sen. Alan, nagkaroon ng meet and greet kung saan malugod naming nakausap sina Sen. Imee Marcos, Sen. Pia Cayetano, Sen. Cynthia Villar, Sen. Francis Tolentino, Sen. Bong Go, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ronald Dela Rosa, at si Senate President Juan Miguel Zubiri.




























































Naging daan na rin ito upang makahingi kami ng tulong sa kanila para sa priority projects ng ating bayan ngayong 2024. Nakilala rin namin ang kani-kanilang political officers kung kayaโt mas naging produktibo ang araw na iyon. Sa katunayan, nangako sila sa ating tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya.
Bitbit namin sa Senado ang ating mga pangarap para sa bayan ng San Nicolas. Hindi kami nag-atubiling lumapit sa kanila dahil alam naming ito ay para sa kabutihang panlahat. Samahan nawa ninyo kami na patuloy na ipanalanging haplusin ng Ama ang puso ng mga kagalang-galang na senador ng ating bansa at maglaan ng pondo para sa mga proyektong makatutulong upang mas maiangat pa ang buhay ng lahat ng San Nicolanians.
Hiraya manawari.
~๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐๐ณ
#SampungLibongPagAsa#SenatorPiaCayetano
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride