#ALAMIN: Nakapagtala ang DOH ng 17,220 pang kaso ng #COVID19 sa bansa ngayong araw kaya sumampa na sa 2,888,917 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.
Nasa 56,561 ang nananatiling active cases.
Umabot naman sa 616 ang naitalang gumaling mula sa naturang sakit, dahilan para umakyat sa 2,780,613 sa kabuuan.
Mayroon namang 81 bagong naitalang nasawi; 51,743 sa kabuuan.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.
Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Doble-ingat po tayo, Kakailyan!
~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ