Labis pong ikinalulungkot ng lokal na pamahalaan na ipaalam ang pagkakatala ng siyam na panibagong kaso ng COVID-19 sa ating bayan kung saan walo sa mga ito ay direct contacts ng isa nating COVID-19 positive patient.
Si Patient No. 83 ay tatlumpu’t walong taong gulang na lalaki (38 y/o male) at residente ng Barangay Cabitnongan. Ang naturang pasyente ay symptomatic at nakararamdam ng banayad na ubo. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 84 ay dalawampu’t apat na taong gulang na babae (24 y/o female) at residente ng Barangay Siblot. Ang naturang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit. Siya ay wala ring travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 85 ay dalawampu’t tatlong taong gulang na babae (23 y/o female) at residente ng Barangay San Felipe West. Ang naturang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit. Siya ay wala ring travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 86 ay dalawampu’t siyam na taong gulang na lalaki (29 y/o male) at residente ng Barangay San Roque. Ang naturang pasyente ay symptomatic at ilan sa sintomas na kanyang nararamdaman ay ubo at sipon. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 87 ay dalawampu’t limang taong gulang na babae (25 y/o female) at residente ng Barangay Cabitnongan. Ang naturang pasyente ay symptomatic at nakararamdam ng banayad na sipon. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 88 ay apatnapu’t anim na taong gulang na lalaki (46 y/o male) at residente ng Barangay Camangaan. Ang naturang pasyente ay symptomatic at ilan sa sintomas na kanyang nararamdaman ay ubo at sipon. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 89 ay tatlumpu’t tatlong taong gulang na babae (33 y/o female) at residente ng Barangay San Rafael Centro. Ang naturang pasyente ay symptomatic at nakararamdam ng sipon. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.
Si Patient No. 90 ay dalawampung taong gulang na babae (20 y/o female) at residente ng Barangay Poblacion East. Ang naturang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit. Siya ay wala ring travel history sa labas ng probinsya.
Sina Patient No. 83, 84, 85, 86, 87, 88, at 89 ay kasamahan sa trabaho ni Patient No. 80 na naunang nagpositibo sa COVID-19 noong ika-20 ng Abril. Samantala, si Patient No. 90 naman ay anak ni Patient No. 80.
Silang lahat ay nakuhanan ng swab specimen noong ika-21 ng Abril at kahapon, ika-24 ng Abril ay lumabas ang resulta na silang lahat ay positibo rin sa COVID-19.
Si Patient No. 91 naman ay dalawampu’t tatlong taong gulang na babae (23 y/o female) at residente ng Barangay Casaratan. Ang naturang pasyente ay nakuhanan ng swab specimen kahapon, ika-24 ng Abril sa Tayug Family Hospital at agad lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19. Siya ay symptomatic at ilan sa sintomas na kanyang nararamdaman ay lagnat at sipon. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.
Sa kasalukuyan, silang lahat ay naka-isolate na sa ating Municipal Quarantine Facility at mahigpit na binabantayan ng ating mga health workers.
Sa mga sandaling ito, mas pinaigting pa ang imbestigasyon at Contact Tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga pasyente at isasailalim lahat sa mandatory 14-days strict home quarantine at RT-PCR swab testing upang masiguro ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang posibleng pagkahawa ng iba.
Muli po naming ipinapaalala sa lahat na hindi pa po tapos ang ating laban kontra COVID-19. Wala ni isa sa atin ang ligtas mula sa sakit na ito. Wala po itong pinipili, mayaman man o mahirap, edukado man o hindi, malakas ka man o mahina.
Sa mga opisina, huwag kumain nang sabay-sabay upang maprotektahan ang sarili mula sa posibleng pagkahawa sa virus. Huwag ding makipag-usap sa mga kapwa empleyado nang walang suot na face mask.
Maging disiplinado upang COVID-19 ay matalo.
DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ
Municipal Mayor