Ikinalulungkot po ng lokal na pamahalaan na ipaalam ang pagkakatala ng ika-walumpung kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

Si Patient No. 80 ay limampu’t limang taong gulang na lalaki (55 years old male), residente ng Poblacion East.

Siya ay nakuhanan ng swab test specimen kahapon, ika-20 ng Abril makaraang magpositibo siya sa kanyang Antigen Test. Kahapon ay lumabas din ang resulta na positibo rin siya sa COVID-19.

Ang naturang pasyente ay walang travel history sa labas ng probinsya. Wala rin siyang exposure sa isang COVID-positive na pasyente. Kaugnay nito, siya ay symptomatic at ilan sa mga sintomas na kanyang nararamdaman ay ubo at sipon.

Sa kasalukuyan, ang pasyente ay naka-isolate na sa Municipal Quarantine Facility at mahigpit na binabantayan ng ating mga health workers.

Bilang agarang tugon, ipinag-utos na ng inyong abang lingkod ang Contact Tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng pasyente at isasailalim lahat sa mandatory 14-days strict home quarantine at COVID-19 testing.

Muli po naming ipinapaalala sa inyo na hindi pa po tapos ang ating laban kontra COVID-19. Wala ni isang tao ang ligtas mula sa sakit na ito. Wala po itong pinipili, mayaman man o mahirap, edukado man o hindi, malakas ka man o mahina.

Kaya patuloy po tayong mag-ingat sa mga lugar na ating pinupuntahan. At kung maaari ay huwag na lamang lumabas ng bahay kung wala namang importanteng gagawin o transaksyon sa labas.

Maraming salamat po.

DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

Municipal Mayor

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon