Ikinalulungkot po ng lokal na pamahalaan na ipaalam sa lahat ang ika-animnapu’t anim na kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

Siya ay limampu’t apat na taong gulang na lalaki (54 y/o male) at residente ng Barangay Siblot. Siya ay miyembro ng Barangay Council sa nasabing barangay at na-exposed kay Patient No. 63 na nagpositibo naman sa COVID-19 noong ika-24 ng Marso.

Ang naturang pasyente ay nakuhanan ng swab test specimen noong ika-26 ng Marso at kahapon, ika-29 ng Marso ay lumabas ang resulta na positibo rin siya sa COVID-19. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.

Sa kasalukuyan, naka-isolate na ang pasyente sa ating Quarantine Facility at mahigpit na binabantayan ng ating medical frontliners.

Sa mga sandaling ito, ipinag-utos na ang Contact Tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng pasyente at isasailalim lahat sa mandatory 14-days strict home quarantine at RT-PCR swab testing upang masiguro ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang posibleng pagkahawa ng iba.

Muli, hinihikayat ang lahat na sumunod at tumalima sa mga health protocols at guidelines na umiiral sa ating bayan at sa buong probinsya upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.

Ipanalangin po natin ang kanyang agarang paggaling at patuloy po tayong mag-ingat sa bawat lugar na ating pupuntahan.

Sa kooperasyon at disiplina ng bawat isa ay malalabanan natin ang COVID-19.

DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

Municipal Mayor

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon