Nais pong ipaalam ng lokal na pamahalaan ang pagkakatala ng tatlong panibagong kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

Ang ika-siyamnapu’t apat na pasyente (Patient No. 94) ay walumpu’t dalawang taong gulang na lalaki (82 y/o male) at residente ng Barangay Casaratan. Siya ay lolo ni Patient No. 91 na naunang nagpositibo sa COVID-19 noong ika-24 ng Abril.

Siya ay nakuhanan ng swab test specimen noong linggo, ika-25 ng Abril sa Rural Health Unit (RHU) at kahapon, ika-28 ng Abril ay lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19.

Ang naturang pasyente ay symptomatic at may ubong iniinda. Siya ay wala namang travel history sa labas ng probinsya.

Ang ika-siyamnapu’t limang pasyente (Patient No. 95) ay dalawampu’t dalawang taong gulang na lalaki (22 y/o male) at residente rin ng Barangay Casaratan. Siya ay pinsan ni Patient No. 91 at apo naman ni Patient No. 94.

Siya ay nakuhanan ng swab test specimen noong lunes, ika-26 ng Abril sa Rural Health Unit (RHU) at ngayong araw, ika-29 ng Abril ay lumabas ang resulta na positibo rin siya sa COVID-19.

Ang naturang pasyente ay symptomatic at ilan sa sintomas na kanyang nararamdaman ay lagnat at ubo. Siya ay wala ring travel history sa labas ng probinsya.

Ang ika-siyamnapu’t anim na pasyente (Patient No. 96) ay animnapu’t apat na taong gulang na babae (64 y/o female) at residente ng Barangay Dalumpinas. Siya ay nagkaroon ng exposure kay Patient No. 89 na naunang nagpositibo sa COVID-19 noong ika-24 ng Abril.

Siya ay nakuhanan ng swab test specimen noong lunes, ika-26 ng Abril sa Rural Health Unit (RHU) at ngayong araw, ika-29 ng Abril ay lumabas ang resulta na positibo rin siya sa COVID-19.

Ang naturang pasyente ay symptomatic at ilan sa sintomas na kanyang nararamdaman ay panghihina ng katawan at sipon. Siya ay wala ring travel history sa labas ng probinsya.

Sa kasalukuyan, ang mga pasyente ay naka-isolate na sa Municipal Quarantine Facility at mahigpit na binabantayan ng ating mga heath workers.

Bilang agarang tugon, isinagawa ang Contact Tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng pasyente at isasailalim lahat sa mandatory 14-days strict home quarantine at COVID-19 testing.

Hinihikayat po namin ang publiko na mag-doble ingat sa mga lugar na inyong pinupuntahan. At kung maaari ay manatili na lamang sa inyong mga tahanan lalo na sa mga senior citizen at mga taong may comorbidities at underlying conditions.

Atin pong pagtibayin ang pagsunod sa minimum public health standards gaya ng palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at pagsunod sa social distancing protocols.

Simulan natin ang disiplina sa ating mga sarili upang ang mga taong nasa paligid natin ay maproteksiyonan din.

Maraming salamat po.

DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

Municipal Mayor

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon