Nais pong ipaalam ng lokal na pamahalaan ang pagkakatala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19.

Ang ika-siyamnapu’t dalawang kaso (Patient No. 92) ay labimpitong taong gulang na babae (17 y/o female) at residente ng Barangay Dalumpinas. Siya ay nagkaroon ng exposure kay Patient No. 78 na naunang nagpositibo sa COVID-19 noong ika-17 ng Abril.

Ang naturang pasyente ay symptomatic at ilan sa sintomas na kanyang nararamdaman ay lagnat, pananakit ng ulo, at pamamaga ng lalamunan. Siya ay walang travel history sa labas ng probinsya.

Ang ika-siyamnapu’t tatlong kaso (Patient No. 93) naman ay tatlumpu’t siyam na taong gulang na lalaki (39 y/o male) at residente ng Poblacion East.

Ang naturang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit. Siya ay wala ring travel history sa labas ng probinsya.

Silang dalawa ay nakuhanan ng swab specimen noong ika-23 ng Abril at ngayong araw, ika-26 ng Abril, ay lumabas ang resulta na positibo sila sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, sila ay naka-isolate na sa Municipal Quarantine Facility at mahigpit na binabantayan ng ating mga health workers.

Bilang agarang tugon, isinagawa ang Contact Tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng pasyente at isasailalim lahat sa mandatory 14-days strict home quarantine at RT-PCR swab testing.

Hinihikayat po namin ang publiko na mag-doble ingat sa mga lugar na inyong pinupuntahan. At kung maaari ay manatili na lamang sa inyong mga tahanan dahil alam naman po natin na madaling kapitan ng sakit ang mga senior citizen at mga taong may comorbidities at underlying conditions.

Atin pong paigtingin ang pagsunod sa minimum public health standards gaya ng palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at pagsunod sa social distancing protocols.

Maraming salamat po at mag-ingat po tayong lahat.

DR. ALICIA L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

Municipal Mayor

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon