Ngayon umaga, ipinagdiwang ng San Rafael District ang Patronal Feast ni St. Raphael the Archangel, ang patron ng mga manlalakbay, mga may sakit, mga nars, doktor, at lahat ng mga manggagawang medikal.
Si San Rafael ay kilala rin bilang anghel ng mga masasayang pagkikita, dahil sa kanyang papel sa pag-uugnay nina Tobias at Sara. Kaya naman, maraming mga single na tao ang nananalangin sa kaniya upang matagpuan ang kanilang tunay na pag-ibig.
Nagsimula ang selebrasyon ng kapistahan sa isang mataimtim na prusisyon ng imahen ni San Rafael, sinundan ng isang misa na pinangunahan ni Fr. Farley De Castro. Dumalo rito si Mayor Alice kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga opisyales ng barangay, at mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng ating bayan.
Sa kaniyang homiliya, inanyayahan ni Fr. Farley De Castro ang mga punong barangay ng San Rafael District — sina PB Filipino Bibat ng San Rafael Centro, PB Melinda G. Rodillas ng San Rafael East, at PB Pepe P. Valencia ng San Rafael West — na magkaisa at magtulungan, tulad ng mga anghel na sina San Rafael, San Gabriel, at San Miguel, na tapat na naglilingkod sa Diyos at tumutulong sa mga tao.
Pagkatapos ng misa, naganap ang isang masayang salu-salo na inihanda sa pamamagitan ng pagtutulungan at bayanihan ng mga taga-San Rafael.
#PatronalFeastOfStRaphaelTheArchangel
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride