Pinangunahan ni Mayor Alice ang paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Municipal Grounds nitong Lunes ng umaga.
Sa naturang seremonya, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagkilala sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating kasarinlan maging ang mga makabagong bayani ng ating panahon dahil sa kanilang malasakit at kabutihang loob upang mapabuti ang kalagayan ng ating bansa ngayon.
“Patuloy nating alalahanin at isabuhay ang katapangan, malasakit, at pagmamahal ng ating mga ninunong bayani sa ating bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pagsisikap at sakripisyo sa atin upang makamtan natin ang mas magandang kinabukasan para sa lahat,” aniya.
Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Municipal Councilors Queen Descargar, Maricon Vindy Operaña, Pedrelito Bibat, Leomar Saldivar, Jun Serquiña, Jairus Dulay, at Amorsolo Pulido, ABC President Jason Ramirez at mga Punong Barangay, SK Federation Pres. Gian Jetrho Manansala at SK Chairpersons, Philippine National Police sa pangunguna ni PCPT Jerwin Cabreros, Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni FINSP. Rogelio Quizon, Mata ng Masa Task Force Pres. Leonora Austria at mga miyembro nito, Kabayan Action Group na nirepresenta ni Prov. Chairman Dionisio Tumbaga, at Knights of Columbus sa pangunguna ni Grand Knight Santos Rodrigo.
#ArawNgMgaBayani#SaysayNgKasaysayan#NationalHeroesDay#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride