Sa pangunguna ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, muling nagtipon ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas kasama ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Barangay Officials, at iba pang grupo ng force multipliers, volunteer groups, at kinatawan ng simbahan upang pagplanuhan at paghandaan nang maayos ang pagdaraos ng isang mahalagang pagdiriwang ng ating pananampalatayang Katoliko—ang Semana Santa.
Sa isinagawang pagpupulong, ikinasa ang Oplan Semana Santa upang masiguro ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng libo-libong mananampalataya na dadalo sa mga solemneng aktibidad ng simbahan. Bukod sa mga aktibidad sa simbahan, inaasahan din ang pagbisita ng mga turista sa mga lokal na atraksyon, tulad ng Agpay Eco Park, Puyao Picnic Grounds, at ang Malico, na itinuturing na summer capital ng Pangasinan.
“Prayoridad natin ang kaligtasan ng lahat. Ang paghahandang ito ay ginawa upang masiguro na ang bawat isa ay magkaroon ng magagandang alaala sa kanilang pagdiriwang ng Semana Santa, na may paggalang at pagninilay sa mga sakramento at tradisyon, habang nadarama ang pagmamahal ng ating minamahal na San Nicolas,” pahayag ni Mayor Alice.
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride