Nagsagawa na ng pagpupulong ang komite ng Oplan Undas 2024 sa pangunguna ni Mayor Alice bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng All Saints’ Day.
Tinalakay ang traffic routes, paglalagay ng incident command post, at deployment ng mga karagdagang personnel upang mapaghandaan ang pagdagsa ng mga uuwi mula sa iba’t ibang siyudad at probinsiya at maging maayos at matiwasay ang pagdiriwang ng Undas sa bayan ng San Nicolas.
Pinag-usapan din sa nasabing pagpupulong ang budgetary requirements, venue, at programa sa inaabangang Tanghalan sa Undas.
Samantala, nagsagawa rin ng inspeksyon si Mayor Alice sa San Nicolas Municipal Cemetery at nagpaabot ng pasasalamat sa TUPAD workers na katuwang ng pamahalaang lokal upang masigurong malinis, maayos, at handa na ang lugar sa pagdagsa ng maraming tao na mag-aalay ng mga panalangin at bulaklak sa kani-kanilang mga yumao.
#Undas2024#OplanUndas#AllSaintsDay
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride