Sa hapon ng araw na ito ay inilaan ni Mayor Alice ang kanyang atensyon upang magsagawa ng house-to-house visitation sa mga centenarians na narito sa ating bayan.

Itinatalang sa taong ito ay may dalawang centenarians ang Munisipyo ng San Nicolas na makakabenepisyo ng P100,000 financial assistance bawat isa.

Sa pagbisitang ito ay kasama ni Mayor Alice si MSWDO Ms. Delia Dalutag at ang mga regional staff ng DSWD na sina Ms. Sandra Daquigan, Mr. Christian Gabonada, at Mr. Debry Galleta.

Ang Republic Act 10868 o ang tinatawag na Centenarians Act of 2016 ay nagbibigay pagkilala sa lahat ng mga Pilipinong aabot ng 100 years old na nakatira sa Pilipinas o sa ibang bansa man. Nasa batas ding ito ang pagbibigay ng regalong P100,000.00 bilang pagkilala sa kanilang naabot na edad.

Si Mayor Alice ay namigay din ng tig-iisang sakong bigas (25 kgs) at multivitamins sa bawat centenarian ng San Nicolas.

#SaluteToAllCentenarians

#PrivilegesAndBenefitsOfSeniorCitizen

#ThankYouDSWDFO1#ThankYouMSWDO

#MayorAlicePrimiciasEnriquez#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon