Bilang paghahanda sa papalapit na Undas, isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang pagsasaayos ng arko ng San Nicolas Public Cemetery.
Ininspeksyon ni Mayor Alice ang proyekto kasama sina Engr. Normandy Flores, Engr. Edwin Patetico, at Architect Shekinah Ruiz upang masuri ang kasalukuyang estado ng konstruksyon.
“Ang arko na ito ay isang mahalagang simbolo para sa libu-libong pamilyang patuloy na nagmamalasakit sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Nararapat lamang na ito ay mapaganda at maayos,” pahayag ni Mayor Alice.
Ang proyekto ay gumagamit ng Agpay stone, na hindi lamang nagdadala ng tibay kundi nagbibigay rin ng mas malalim na kahulugan sa estruktura. Ito ay nagpapakita ng pagmamalaki at paggalang sa ating kultura, na nag-uugnay sa atin sa ating mga ninuno at sa mga alaala ng ating mga mahal sa buhay.
Hinimok din ng alkalde ang lahat na sumubaybay sa mga balita tungkol sa proyektong ito sa ating opisyal na Facebook page.
#PaggalangSaMgaYumaongMahalSaBuhay
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride