Dahil walang kapaguran si Mayor Alicia L. Primicias – Enriquez sa patuloy na pagbibigay ng kalidad na serbisyo at malasakit sa ating bayan, mas lalo pang humanga ang mga batang mag-aaral ng Santan Child Development Center nang sila naman ang nabahagian ng pagmamahal ng alkalde.

Labis na ikinatuwa ng mga batang mag-aaral ang naipagawang kisame at tiles sa sahig ng Santan CDC sa Brgy. Calanutian, na pinondohan gamit ang mga materyales at labor mula sa Development Fund ng lokal na pamahalaan.

Abot-tengang ngiti at pasasalamat ang bumungad sa alkalde mula kina 𝙋𝘽 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙫𝙞𝙡 𝙂. 𝙇𝙪𝙘𝙖𝙨, 𝘾𝘿𝙒 𝙅𝙚𝙣𝙚𝙡𝙮𝙣 𝘾. 𝘽𝙞𝙗𝙖𝙩, at ng mga batang mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang sa kanilang pagkakataong makasama at makita ang alkalde sa kaniyang pagbisita.

Ipinahayag ni Mayor Alice ang kaniyang paghanga sa pagtutulungan at pagmamalasakit ng bawat mamamayan ng nasabing barangay upang masiguro na ang mga batang mag-aaral ng Santan CDC ay magkaroon ng komportable at magandang karanasan sa kanilang pag-aaral.

Ang nasabing proyekto ay patunay lamang na hangad ni Mayor Alice na mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga mag-aaral sa bayan ng San Nicolas.

#InstallationOfCeilingAndFloorTiles

#SantanChildDevelopmentCenter

#MunicipalDevelopmentFund

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon