Bilang bahagi ng National Correctional Consciousness Week 2024 na may temang “Makataong Pakikitungo, Matinong Pamumuno, at Matatag na Prinsipyo Tungo sa Maunlad na Serbisyong Pampiitan,” ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tayug District Jail ay nakipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pamamahagi ng mga pagkain at toiletries.

Personal na inihandog ni Mayor Alice ang mga relief packs sa apatnapu’t siyam (49) na persons deprived of liberty (PDLs), na naglalaman ng gatas, kape, delata, crackers, noodles, at toothpaste.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si JINSP Victor A. Sidayen, Acting District Jail Warden ng BJMP Tayug District Jail, kasama ang mga PDLs, sa mga regalong dala ni Mayor Alice.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde ang patuloy na pagkakaisa ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas at BJMP Tayug District Jail sa pagtulong sa mga PDLs na magkaroon ng kasanayan na magagamit nila sa kanilang pagsisilbi sa lipunan.

#DistributionOfReliefPacks

#SupportToPersonsDeprivedOfLiberty

#HelpingTheVulnerableSector

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#YourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon