Nagbigay ng inspirasyon si Mayor Alice sa 105 qualified na benepisyaryo ng TUPAD sa isinagawang oryentasyon ng Department of Labor and Employment – Regional Field Office 1.
Sa ilalim ng programang ito, ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng uniporme at halagang Php 435.00 bawat araw para sa mga serbisyong kanilang ibibigay sa loob ng sampung araw. Layunin ng programang TUPAD na bigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na makapagtrabaho at kumita, na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ipinahayag ni Mayor Alice ang kanyang taos-pusong pasasalamat kina 𝙎𝙚𝙣𝙖𝙩𝙤𝙧 𝙅𝙤𝙚𝙡 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙖𝙣𝙪𝙚𝙫𝙖 at 𝘾𝙤𝙣𝙜𝙬. 𝙈𝙖𝙧𝙡𝙮𝙣 𝙋𝙧𝙞𝙢𝙞𝙘𝙞𝙖𝙨-𝘼𝙜𝙖𝙗𝙖𝙨 sa kanilang suporta sa paglikha ng mga oportunidad para sa mga mamamayan.
Ang TUPAD Orientation ay naglalayong ipaalam sa mga benepisyaryo ang mga layunin, benepisyo, at responsibilidad ng TUPAD Program upang masiguro na kanilang magampanan ang kanilang mga gawain nang wasto, ligtas, at produktibo.
#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas
#ThankYouSenatorJoelVillanueva
#DepartmentOfLaborAndEmployment
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride