Bilang pagsuporta sa wastong pamamahala ng basura sa paaralan, ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kahilingan ng Camindoroan Elementary School na magpatayo ng isang Materials Recovery Facility.

Ang nasabing proyekto ay may kabuoang sukat na 8.64 metro kwadrado, na layuning mapabuti ang pagproseso ng recyclable materials at mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa nasabing paaralan.

Bumisita si Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa paaralan upang suriin ang resulta ng pagpapatupad ng planong ito. Naging magandang pagkakataon din ito upang personal na makausap ang mga guro at mga mag-aaral sa ilalim ng pangangalaga ni π™‚π™£π™œ. π™‹π™§π™žπ™£π™˜π™šπ™¨π™¨ 𝙇. π˜Όπ™˜π™€π™¨π™©π™–, ang punong guro ng eskwelahan.

Ipinahayag ng mga guro ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa pagmamalasakit ng alkalde para sa kanilang mga estudyante. Kasama nito, nagbigay sila ng pangako na mas pagbutihin pa ang kanilang pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral.

#CamindoroanElementarySchool

#ConstructionOfSchoolMaterialsRecoveryFacility

#ReducingWasteProductsForABrighterFuture

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *