“Dahil sa hindi nagmamaliw ninyong pagmamahal, kakailian, nais naming itong suklian kahit sa munti naming paraan ngayong Kapaskuhan. Tanggapin ninyo ang Panagayat ni Dok at PamasCong Handog bilang tanda ng pasasalamat sa inyo.”

Ito ang naging pahayag ni Mayor Alice nang magtungo siya sa San Rafael East, San Rafael Centro, San Rafael West, Malilion, at Sobol upang maghatid ng maagang pamasko sa kanila kung saan umabot sa 12,379 food packs ang naipamahagi sa pangalawang araw ng distribusyon.

Ang kagalakan ng mga residente ay kitang-kita sa kanilang mga mukha kung kaya’t asahang mas magniningning pa ang ngiti sa labi ng mga San Nicolanian dahil magpapatuloy ang pamamahagi ng pamasko nina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas at Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa buong bayan ng San Nicolas.

#PanagayatNiDok#PamasCongHandog#MerryChristmas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon