𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐂𝐎𝐋𝐀𝐒 𝐋𝐆𝐔, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐓’𝐋 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
Dumaan sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) national validation ang San Nicolas, noong Miyerkules, Setyembre 11, na huling hakbang ng pagsukat sa pamamalakad ni Mayor Alice kung nakasusunod at tumatalima sa itinatakdang batas ang lokal na pamahalaan.
Dumaan sa masusing deliberasyon ang bayan sa pangunguna ni SGLG Batangas Provincial Focal Person LGOO VI Arlene D. Banaag kasama si LGOO VII Andres A. Vendiola na nagsagawa ng on-site visitation sa Regional Evacuation Center, RDRRMC and OCD Office sa Sta. Maria West, Agpay Eco Park sa San Felipe East, at MDRRM Office at kinapanayam ang lahat ng department heads.
Ang nasabing SGLG national validation ay nagsisilbing isang evaluation exercise, at isang pagkakataon para sa lokal na pamahalaan ng San Nicolas na ipakita ang mga tagumpay ng munisipyo at ang pangako nito sa pagpapaunlad ng positibong epekto sa buhay ng mga residente nito sa pamamagitan ng mabuting pamamahala at patuloy na pagsulong sa paghahatid ng serbisyo publiko.
“Sinuri ng national validators ang tugon at pagsunod ng LGU San Nicolas sa mga regulasyong pangkalusugan, pamamahala sa pananalapi, negosyo, turismo, kultura at sining, programa sa pangangalaga sa lipunan at pagiging sensitibo, kaligtasan, kapayapaan at kaayusan, at pamamahala sa kapaligiran. Kahayagan lamang ito ng ating tuwid, malinis at konkretong pamamahala sa ating nasasakupan,” saad ni Mayor Alice.
Ang SGLG Award, sa ilalim ng RA no. 11292, ay itinuring na pinakamataas na pagkilala at pinakaprestihiyosong parangal na iginawad ng DILG sa mga namumukod-tanging local government units na sumusunod sa mga kaukulang pambansang batas at alituntunin.
#SealOfGoodLocalGovernance#NationalValidation#GoodGovernance#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride