πππππππππ π ππππππππ πππ ππ π πππππ, πππππππ ππ πππππππππ ππ πππππ ππ πππππ πππππ
Para sa pagtataguyod ng adbokasiya at pagpapatupad ng mga programa na magtatanggol sa karapatan at mangangalaga sa kapakanan ng mga Kabataang San Nicolanian, gayundin ang paglikha ng programang makakatulong sa kanilang pag-unlad, nanumpa na ng tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Municipal Federated Parent-Teacher Association.
Ang nasabing asosasyon ay pinangunahan nina PTA President Ptr. Cesar Salamanca Jr., Vice President Kgd. Modesto Z. Prado, Secretary Jeanney Jean S. Caser, CDO Irene S. Buccat, Auditor Gleshilda S. Javillonar, Business Manager Venancio V. Francia, at Board of Directors na binubuo nina Joey C. Olani, Eduardo O. Nemenzo, Filmar B. Cocotan, Marcial L. Luna, Marlene Espiritu, Alibeth L. Grafil, Marwin C. Catuiza, Jr., Digno C. Espiritu, at Marie Joy C. Baruela.
Sa panayam ng My Home My Pride, ibinahagi ni Ptr. Salamanca na sila ay tututok sa kampanya ukol sa HIV Awareness, pagtataguyod ng sining at kultura sa pamamagitan ng art classes, at iba pang information dissemination campaigns na makatutulong sa lahat ng kabataang San Nicolanians.
βMagtulungan tayo upang mapaunlad ang kahalagahan ng edukasyon, lumikha ng maayos na kapaligiran para sa pag-aaral, at bigyan ng proteksyon ang ating mga pag-asa ng bayan. Katuwang ninyo ako at ang pamahalaang lokal ng San Nicolas anumang oras at panahon,β saad ni Mayor Alice.
#ParentTeacherAssociation#ParentsKnowBest#ForTheSanNicolanianYouth#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride