Hindi maitago ni 𝐏𝐁 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐢𝐠𝐢𝐥𝐝𝐨 𝐃𝐨𝐭𝐨𝐧, kasama ang buong barangay council, ang kanilang kasiyahan nang dumalaw tayo sa Barangay Camangaan upang inspeksyunin ang mga proyektong handog ni 𝘾𝙤𝙣𝙜. 𝙈𝙖𝙧𝙡𝙮𝙣 𝙇. 𝙋𝙧𝙞𝙢𝙞𝙘𝙞𝙖𝙨-𝘼𝙜𝙖𝙗𝙖𝙨. Ang pagbisitang ito ay isang magandang pagkakataon upang mas mapalalim ang ating ugnayan at masuri ang mga positibong pagbabago na dulot ng mga proyekto sa ating barangay.

Isa sa mga pangunahing proyekto na ating tiningnan ay ang road concreting project na naging posible sa tulong at suporta ni Cong. Marlyn. Ang proyektong ito ay kasalukuyang nagiging benepisyo ng mga residente, na mas pinadali at pinaganda ang kanilang pagbiyahe. Ang mas maayos na kalsada ay hindi lamang nagbibigay ng kaginhawaan sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, kundi nag-aambag din sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya at kalakalan.

Sa aking pagbisita, nagbigay tayo ng pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng P5,000 upang may magamit ang barangay sa kanilang tanggapan. Ang tulong na ito, bagamat maliit, ay inaasahang makatutulong sa kanilang mga pangangailangan at mas mapabuti ang kanilang serbisyo para sa mga mamamayan.

Maraming salamat kay Cong. Marlyn Primicias-Agabas sa walang sawa niyang pagsuporta at pagtulong sa ating bayan. Ang kanyang dedikasyon at malasakit sa mga tao ay tunay na nakaka-inspire at nagbibigay ng pag-asa para sa mas magandang kinabukasan ng Barangay Camangaan.

#MayoralVisit#BrgyCamangaan#RoadConcreting#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon