Dahil sa mga naitatalang insidente ng panggagahasa sa bayan, nagsagawa ng interbensiyón ang pamahalaang lokal ng San Nicolas at San Nicolas Police Station katuwang ang Public Attorney’s Office (PAO) at Municipal Social Welfare and Development Office sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Gender-Based Violence Awareness Seminar sa mga kabataang San Nicolanian.
Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng mga mag-aaral at guro ng San Felipe Integrated School kasama ang barangay council, CVOs, barangay health workers, Coun. Pedrelito Bibat, MSWD Officer Delia Dalutag, at PCPT Jerwin Cabreros na naglalayong pahusayin ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa iba’t ibang gender-based violence at crimes na ginagawa laban sa mga lalaki, babae, at LGBTQIA+.
“Kinakailangang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa kanilang karapatan sa mga pagkakasala na maaaring isampa kung sila’y naging biktima ng gender-based violence,” saad ni Mayor Alice sa kaniyang mensahe na binigkas ni Coun. Bibat.
Binigyang diin naman ng resource speakers na sina Atty. Jo-ann L. Sawil at Atty. Roi Van Aquilino G. Morden II mula sa PAO Tayug, Pangasinan ang kahalagahan ng pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pagpapanatili ng magandang circle of friends, mabisang komunikasyon, pagtatanggol sa sarili, pagharap sa komprontasyon, at ang pagiging matiyaga kasama na rin ang mga batas tulad ng R.A. 8583, R.A. 7610, at R.A. 11313.
Paalala naman ng PNP at PAO sa mga kabataan na nakararanas ng pang-aabuso, karahasan, at mga alalahanin na may kaugnayan sa kanilang kaligtasan, proteksyon, at empowerment, ang kanilang himpilan ay bukas upang tulungan sila.
#GenderBasedViolenceAwareness#EducatingYoungMinds#EndGenderBasedCrimesNow#PublicAttorneysOffice#MSWDO#SanNicolasPoliceStation#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride